74 na kahon o katumbas ng 2 million pesos na halaga ng undocumented at unlabeled pork products ang nasabat sa Jetty Port sa Caticlan, Malay, Aklan.
Ayon kay Dr. Wendel Maglantay, Bureau of Animal Industry-Veterinary Quarantine Station Aklan Provincial Coordinator, pawang mga hamon ang nasabat sa naturang lugar na ibebenta sana ngayong holiday season.
Bagaman bahagi anya ng tradisyon ng paskong Pilipino ang maghanda ng hamon, kailangang ikunsidera ang panganib na dulot nito dahil patuloy pa ring umiiral ang banta ng African Swine Fever (ASF).
Nito lamang Oktubre ay naglabas ng Executive Order (EO) 45 ang provincial government ng Aklan na nagbabawal sa pagpasok ng pork products dahil sa kaso ng ASF sa Iloilo. – sa panulat ni Hannah Oledan