Nagdeklara na ng state of calamity si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa ilang rehiyon sa bansa na lubhang naapektuhan ng Bagyong Paeng.
Kabilang dito ay ang regions 4-A (CALABARZON), Bicol Region, Western Visayas, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARRM).
Ang direktiba ay ginawa ni Pangulong Marcos sa pamamagitan ng proclamation no. 84 na nilagdaan ng punong ehekutibo ngayong araw.
Inilabas ang deklarasyon upang mapabilis ang pagbangon at pagtugon na rin ng gobyerno sa pangangailangan ng mahigit isang milyong populasyon na apektado ng kalamidad.
Ayon sa kautusan, iiral ang state of calamity sa loob ng anim na buwan maliban na lamang kung aalisin na ito ng presidente. —ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)