Apat na kasunduan ang inaasahang malalagdaan sa pagitan ng Pilipinas at South Korea kasabay ng pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN – Republic of Korea Commemorative Summit sa susunod na linggo.
Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Junever Mahilum-West, may kaugnayan sa turismo edukasyon, social security at pangingisda ang mga kasunduang lalagdaan ng dalawang lider.
Gaganapin aniya ito sa bilateral meeting nina Pangulong Duterte at South Korean President Moon Jae-In na isa sa mga dadaluhang side line activity ng punong ehekutibo.