Nasa 318 preso ang inaasahang mapapalaya ng Department of Justice ngayong taon alinsunod sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law upang mapaluwag ang mga kulungan sa bansa.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Boying Remulla, ang mga bilanggo ay naghihintay na lang ng pirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior upang mabigyan ng clemency, pardon at commutation of sentence.
Una nang pinalaya ang nasa 371 persons deprived of liberty (PDL) noong September 13 dahil sa maayos na record at base sa iba pang kondisyon na nakasaad sa nasabing batas.
Inatasan na rin ng kalihim ang Bureau of Corrections (BuCor) na dalasan ang pagbibigay ng karpeta sa Parole and Probation Administration at sa Public Attorney’s Office (PAO) para mapabilis ang pagpapalaya sa mga nakapiit.
Iginiit naman ni PAO Chief, Atty. Persida, target na makapagpalaya ng bagong batch ng PDL sa October 25. —sa panulat ni Jenniflor Patrolla