Aarangkada na ngayong araw, Nobyembre 25, ang ikalawang round ng sabayang patak kontra polio ng Department of Health (DOH).
Ayon sa DOH, tatagal ang isasagawang polio mass vaccination sa National Capital Region (NCR) at Mindanao hanggang Disyembre 7.
Kasabay nito, muling nananawagan si Health Secretary Francisco Fuque III sa mga magulang na samantalahin ang programa para mapabakunahan kontra polio ang kanilang mga anak na edad 5 taon pababa
Iginiit pa ni Duque, hindi katanggap-tanggap na may mga bata pang tinamaan ng polio gayung puwede na itong maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.
Pagtitiyak pa ni Duque, pursigido ang DOH na mabakunahan ang lahat ng mga bata mula sa NCR at Mindanao sa ikalawang round ng sabayang patak kontra polio.
Batay sa huling tala ng DOH, nasa 7 kabataan na sa Luzon at Mindano ang kumpirmadong dinapuan ng polio virus magmula ng manumbalik ang nabanggit na sakit matapos ang halos dalawang dekada.