Patay ang dalawampu’t siyam (29) katao habang mahigit limampu (50) ang sugatan sa naganap na suicide bombing sa Kabul, Afghanistan.
Ayon sa tagapagsalita ng Kabul City Police na si Basir Mojahid, target makarating ng suicide bomber sa Sakhi Shrine kung saan nagtipon-tipon ang mga tao para sa selebrasyon ng Persian New Year.
Ngunit bago sumapit ang suspek sa naturang lugar ay kinilala na ito ng mga awtoridad at dito na niya pinasabog ang kaniyang sarili sa tapat ng Kabul University.
Inako naman ng ISIS ang naturang insidente.
—-