Inilunsad ng Department of Information and Communications Technology at Commission on Elections ang kauna-unahang 24/7 threat monitoring center sa bansa.
Tugon ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Na tiyakin ang malinis at tapat na midterm elections sa Mayo 12.
Ayon kay Palace Press Officer usec. Claire Castro, ang monitoring center ay isang real-time digital command post na tututok sa pagtukoy, pagpigil, at pagresolba sa mga banta ng online misinformation at disinformation kaugnay ng halalan.
Pinangungunahan ito ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center ng DICT at ng task force katotohanan, katapatan at katarungan sa halalan o Task Force KKK ng COMELEC.
Operational na aniya ito dalawang araw matapos ang direktiba, patunay sa mabilis at coordinated na aksyon ng pamahalaan para mapanatili ang integridad ng halalan.—ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)