Nagkasa ng 21 gun-salute ang Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang pagbigay pugay sa yumaong dating Commander In Chief, at dating Pangulong Fidel Valdez Ramos.
Sa pahayag ni AFP Public Affairs Office chief Colonel Jorry Baclor, sinimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng 8 gun-salute alas-5, kahapon ng umaga, at sinundan ng isang putok kada 30 minuto hanggang alas-5 ng hapon.
Ayon kay Baclor, habang buhay aalalahahin ng kanyang mga kasama at tauhan ng may mataas na pagrespeto at paghanga ang dating pangulo dahil sa pagiging mahusay nito sa pamumuno at pagbibigay serbisyo sa publiko.
Kasabay nito, inilagay din sa half-mast ang Bandila ng Pilipinas sa Camp Aguinaldo kung saan, sa gitna ng Flag-raising ceremony, nagsuot ng itim na armband ang mga opisyal, enlisted personnel at civilian employees ng AFP bilang pakikidalamhati.