Nanumpa kahapon ang 21 elected officials sa ilalim ng Partidong Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).
Kabilang sa mga nanumpa ang siyam na alkalde, walong provincial board members at apat na councilor sa naganap na seremonya sa Batasan Pambansa Complex sa Quezon City.
Ang nasabing aktibidad ay pinangungunahan nina House Speaker Martin Romualdez bilang presidente ng Lakas-CMD habang Chairman naman ng partido si Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio.
Sa ngayon, siyam sa 18 alkalde sa Albay ay miyembro na ng Lakas-CMD habang walo naman sa 17 elected provincial board members ang mga bagong miyembro ng partido.