Tinatayang 2.7 bilyong piso ang kailangan para sa rehabilitasyon ng mga nasirang health facility sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, plano nilang gawing “ideal” ang health system sa Marawi sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga health station kada barangay, rural health unit para sa 20,000 populasyon, isang lying-in facility at polyclinic para sa may 50,000 residente.
Sa ngayon anya ay isang ospital pa lamang ang napinsala sa mahigit dalawang buwang sagupaan habang hindi pa nila ina-assess ang iba pang health facility dahil hindi pa sila pinapayagang makapasok sa lungsod.
By Drew Nacino