Pinaghahandaan na ng Commission on Elections o COMELEC ang 2019 midterm elections.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, nais nilang mabatid nang mas maaga ang mga posibleng problema sa darting na halalan para agad nila ito maresolba.
Dagdag pa ni Jimenez, pinag-uusapan na nila ang muling pagbubukas ng voter’s registration para mas maraming makabotong mga botante sa susunod na taon.
Samantala, patuloy naman ang isinasagawang pagpaparehistro ng mahigit 1.6 million na mga Overseas Filipino Workers.
Umaasa naman si Jimenez na magiging maayos at matagumpay ang midterm elections gaya ng barangay at Sangguniang Kabataan elections na idinaos noong Mayo.
—-