Patuloy paring binabantayan ng Pagasa ang dalawang low pressure area na namataan sa loob at labas ng bansa.
Ayon kay Pagasa weather specialist Patrick del Mundo, namataan ang isang LPA sa layong 1,825 silangan ng extreme Northen Luzon na may taglay ng lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Patuloy itong kumikilos sa bilis na 25 kilometers per hour pero mababa ang tiyansa nito na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na dalawamput apat na oras.
Minomonitor din ng Pagasa ang isa pang lpa na huling namataan sa layong 1,080 kilometers silangang bahagi ng extreme Northern Luzon na may mababang tiyansa na maging bagyo.
Dahil sa pinagsamang epekto ng dalawang LPA, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan sa bahagi ng Luzon kaya inaabisuhan ang publiko na magdoble ingat matapos maganap ang lindol at sunud-sunod na mga aftershocks sa Abra.
Mapapadalas parin ang mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Luzon partikular na sa hapon hanggang sa gabi dahil parin sa epekto ng hanging habagat.
Asahan din ang maaliwalas na panahon sa Visayas at Mindanao area sa umaga hanggang sa tanghali pero mataas parin ang tiyansa na ulanin pagdating ng hapon hanggang sa gabi bunsod ng mga localized thunderstorms.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 26 hanggang 32 degrees celsius habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:38 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:26 ng hapon.