Posibleng payagan ng COMELEC ang magkaibang paksyon ng PDP-Laban na magkaroon ng dalawang presidential candidante sa 2022 National Elections.
Ito’y matapos tanggapin ni Senador Manny Pacquiao ang nominasyon bilang presidential bet ng PDP-Laban Pimentel Wing kahit si Senador Bong Go ang napili namang standard bearer ng Cusi Wing.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, ganito rin ang naging sitwasyon noon ng liberal party sa pagitan nina Senador Franklin Drilon at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza.
Gayunman, nilinaw ni Jimenez na wala pang pinal na desisyon ang poll body sa issue. —sa panulat ni Drew Nacino