Sumipa sa 10,833 ang buong bilang ng kapulisan na tinamaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) matapos makapagtala ng 51 bagong kaso kahapon , Pebrero 15.
Ito ay batay sa tala ng Philippine National Police, kung saan 462 sa mga ito ay itinuturing na aktibong kaso habang 70 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling na sumampa na sa 10, 340.
Wala namang nadagdag sa mga nasawing pulis dulot ng virus at nanatili pa rin sa bilang na 31.—sa panulat ni Agustina Nolasco.
UPDATE: As of 6:00PM of February 15, 2021, the PNP Health Service recorded 70 new recoveries today bringing the total…
Posted by Philippine National Police on Monday, 15 February 2021