Patay ang dalawang Indian national na miyembro umano ng kidnap for ransom group matapos umanong manlaban sa mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) kaninang alas tres ng umaga sa Palanas road, Brgy Anabu 1G, Imus, Cavite.
Ayon kay PNP Anti-Kidnapping Group chief, Sr. Supt. Glenn Dumlao dinukot ng mga suspek ang kapwa nila Indian national na kinilalang si Lalit Kumar na pinatay din ng mga suspek kahapon.
Natagpuan ang bangkay ng kidnap victim sa open canal sa boundary ng Gen. Trias at DasmariƱas.
Kahit patay na ang hostage, humihingi pa rin ng ransom ang grupo na umaabot sa 20 million pesos.
Pagkakakilanlan ng dalawang Indian national na kidnapper, tukoy na
Natukoy na ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group ang pagkakakilanlan ng dalawang indian national na kidnapper na napatay matapos makaengkwentro ng mga pulis.
Kinilala ni PNP-AKG head Sr. Supt. Glenn Dumlao ang dalawang suspek na sina Kumar Pardeep at Hunny Singh.
Setyembre 3 anya dinukot si Kumar at kahapon ito pinatay at natagpuan sa Bgy. Navarro, Gen Trias, Cavite.