Patay ang 12 katao habang sugatan ang 11 iba pa, matapos humarurot ang kanilang sinasakyang van dahilan ng pagkabaliktad sa isang kanal sa Central Mexico.
Ayon sa mga otoridad, naganap ang aksidente sa isang tulay malapit sa siyudad ng Lagos De Moreno, na nagkokonekta sa Central States ng Guanajuato at Jalisco.
Pito sa mga nasawi ay na-trap pa sa loob ng sasakyan. —sa panulat ni Abby Malanday