Pinangalanan na ang 12 players na bubuo sa Gilas Pilipinas na sasabak sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa susunod na buwan.
Ipinabatid ni Gilas Head Coach Tab Baldwin na kabilang sa tinaguriang first four sina Andray Blatche, Jayson Castro, June Mar Fajardo at Gabe Norwood.
Kabilang naman sa apat na sumunod na napili sina Japeth Aguilar, Ranidel de Ocampo, Terrence Romeo at Marc Pingris.
Inanunsyo na rin ang pagiging bahagi ng Gilas team nina Jeff Chan, Bobby Ray Parks, Ryan Reyes at Troy Rosario.
Samantala, magsisilbi namang reserve players sina Calvin Abueva at LA Tenorio.
By Judith Larino