Isinugod sa ospital ang 11 katao matapos umanong ma-food poison sa Matanao, Davao Del Sur.
Batay sa ulat, kumain ang mga biktima ng spaghetti bago dumaing ng pananakit ng tiyan hanggang sa nagsuka na ang mga ito at nagtae.
Galing umano ang spaghetti sa isang reunion ng isang residente rin sa naturang lugar.
Hindi rin naman umano nakitaan ng pagkasira o pagkapanis ang naturang pagkain kaya ito ipinamigay sa kapitbahay na karamihan ay mga bakwit dahil sa lindol.
Batay sa tala ng Rural Health Unit ng Matanao, nasa edad isa hanggang 16 na taong gulang ang mga dinala sa ospital.