Sampu pang Pilipino ang wala pa rin umanong balak umalis ng Afghanistan kahit kontrolado na ang naturang bansa ng teroristang grupong Taliban.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, mas nais umanong manatili ng Afghanistan ng 10 Pinoy sa pangambang walang madadatnang trabaho sa Pilipinas.
Simula nang mabawi ng Taliban ang pamumuno sa Afghanistan, umabot na sa 182 Pinoy na ang inilikas.
Nilinaw naman ng DFA na hindi lahat ng Pilipino na nakaalis ng Afghanistan ay babalik sa Pilipinas.—sa panulat ni Drew Nacino