Lumobo na sa record-high na P19.66 trillion pesos ang pambansang utang noong Setyembre.
Ayon sa Bureau of the Treasury, mas mataas ito ng 0.27 percent sa naitalang P19.61-trillion sovereign debt noong Agosto.
Aabot sa 67.39 percent ng kabuuang utang ng bansa ang domestic debt, o utang mula sa loob ng Pilipinas.
Isa sa mga pangunahing dahilan ng muling pag-akyat ng utang ang mahinang halaga ng piso, kung saan umabot ito sa P62.60 kada dolyar noong katapusan ng Setyembre. | Sa panulat ni Anjo Riñon

