Home NATIONAL NEWS Halos limang toneladang droga na nagkakahalaga ng ₱11.32-B, nasamsam ng PNP sa loob ng siyam na buwan!

COA, sinita ang Senado sa overtime pay ng mga empleyado

by DWIZ 882 October 19, 2026 0 comment
SENATE

Sinita ng Commission on Audit (COA) ang pagpapatupad ng Senado ng overtime payments sa mga empleyadong hindi nakumpleto ang itinakdang 40 regular working hours, batay sa 2025 Annual Audit Report nito.

Ayon sa mga state auditor, nakatanggap ng overtime pay ang ilang empleyado kahit may absent sa kanilang workweek.

Sa 4 na araw na workweek ng Senado, inaatasan ang mga empleyado na magtrabaho ng 10 oras kada araw, kaya ang pagliban sa 1 araw ay nagreresulta sa hindi pagkumpleto ng 40 oras na regular na trabaho.

Ayon sa COA, labag ang ganitong practice sa mga alituntunin ng Civil Service Commission at Department of Budget and Management Joint Circular No. 02, Series of 2015.

Nasita na rin ng mga state auditor ang kaparehong problema sa nakaraang audit, ngunit hindi pa rin ganap na naiaangkop ang mga patakaran ng Senado sa itinakdang guidelines.

Dahil dito, inirekomenda ng COA na tapusin at aprubahan ang draft Senate policy sa pagpapatupad ng overtime services upang matiyak na sumusunod ito sa mga panuntunan ng pamahalaan.

Samantala, sumang-ayon naman umano ang Senado sa rekomendasyon ng COA. | Sa panulat ni Jordan Gutierrez

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment