Aabot sa 1.9 milyon ang mga pasaherong inaasahang daraan sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PTX) para sa Undas 2026.
Ayon kay PITX Spokesman Jason Salvador, posibleng magsimulang dumagsa ang mga biyahero sa Linggo, Oktubre a-bente singko, hanggang sa Araw ng mga Patay.
Dahil dito, tuluy-tuloy anya ang paghahanda ng terminal para sa pagdami ng mga pasahero.
Paliwanag ni Salvador, taun-taong tumataas ang bilang ng mga bumibiyahe tuwing Undas dahil nagdadagdag ng mga biyahe ang mga bus papunta sa mga lalawigan.
Samantala, mahigit isandaang libong pulis ang ide-deploy sa buong bansa para sa seguridad ng publiko sa Undas, mahigit doble kumpara noong nakaraang taon. | Sa panulat ni Jordan Gutierrez

