Sabi nga nila, aanhin mo ang napakaraming pera at mga kaibigan kung hindi mo naman ito madadala sakailang buhay? Pero wala namang masama kung gusto mong malaman kung sino nga ba ang tapat at totoong may pakialam sayo. Katulad na lang ng lalaking ito sa India na pineke ang kaniyang kamatayan para lang malaman kung sino nga ba ang tunay niyang mga kaibigan.
Kung successful nga ba ang pagpapanggap ng lalaki, eto.
Nawindang ang mag residente ng Konchi na matatagpuan sa Bihar, India nang mapag-alaman na pumanaw na ang 74-anyos nilang kapitbahay na si Mohan Lal na dating Air Force veteran.
Bagama’t gulat ang lahat at hindi pa tukoy ang ikinamatay ng matanda, marami ang nakiramay at sumama sa ginawang prusisyon na isang traditional rite sa bansa.
Nang huminto ang mga residente sa isang crematorium, nagulantang na lang ang mga ito nang biglang nabuhay at bumangon ang patay.
Doon na nadiskubre ng mga nakiramay na peke ang kamatayan at libing na ipinagluluksa nila. Dahil nagawa lang iyon ni Mohan para malaman kung gaano karaming tao ang tunay na may malasakit sa kaniya.
Para maging matagumpay at makatotohanan ang plano, nakiusap pa si Mohan sa kaniyang mga kamag-anak na ipakalat sa lugar nila ang balita.
Gayunpaman, walang duda na naging matagumpay ang pamemeke ni Mohan ng sarili niyang kamatayan dahil daan-daang residente ang nakiramay at matyagang naglakad para maihatid siya sa kaniyang huling hantungan. Nabigyan din umano nito ng assurance ang matanda na nirerespeto siya ng mga kasamahan niya sa kanilang lugar.
Kung titingnan, hindi maiiwasan na mapatanong ka kung paanong nagawa ito ng isang tao sa kaniyang sarili. Pero ang totoo, nakalulungkot na kinailangan pa itong gawin ng lalaki para lang kumpirmahin kung mayroon bang nagmamalasakit sa kaniya.
Ikaw, sa palagay mo ba ay sisipot ang mga itinuturing mong kaibigan ngayon kapag dumating na ang oras mo?