Kadalasan ay pinag-iisipang maigi ng ibang tao ang pagkuha ng credit card dahil sa takot na mabaon sa utang kapag hindi ito nagamit nang tama. Pero ang lalaking ito sa India, walang takot sa pagkaskas ng credit card. Dahil sa pagiging active user nito, makailang beses na itong nakalibre dahil sa exclusive privileges na dala ng mga credit card.
Kung paano minamanage ng lalaki ang kaniyang expenses, eto.
Ginagamit ng marami ang credit card para sa kanilang big purchases o kung mayroon silang nais bilhin na hindi pa nila afford bayaran ng cash.
Nagdadalawang-isip din ang iba sa paga-apply para makakuha ng credit card dahil sa takot na magamit ito sa maling paraan at mauwi sa pagkakalubog sa utang.
Pero ibahin niyo si Manish Dhameja na nagmula sa Hyderabad, Talengana, India na hindi alintana ang utang na magiging resulta ng palagian niyang pagkaskas ng kaniyang credit cards, lalo na at mayroon itong kalakip na benepisyo.
Maniniwala ka ba na dahil sa aktibong paggamit sa mga credit card ay maaari kang makalibre at makatipid? Katulad ni manish na ilang beses nang nakatanggap ng complementary flight tickets, libreng access sa airport lounge, hotel vouchers, shopping vouchers at marami pang iba.
Sa katunayan, nakaligtas din si Manish mula sa pagpila sa bangko para mag-abang sa paglabas ng bagong banknotes sa India noong 2016 matapos tanggalan ng gobyerno ng bisa o halaga ang lahat ng 500 at 1000 Indian rupees mula sa Mahatma Ghandi Series.
Ito’y dahil sa maagang pag-adopt at pagtangkilik ni Manish sa digital money o cashless transactions. Aniya pa nga, hindi kumpleto ang buhay niya kung wala siyang credit cards.
Dahil dito, pinarangalan si Manish ng Guinness World Record noong 2021 ng largest collection of valid credit cards. Partida, kahit na umabot ng 1,638 ang mga credit card ni Manish, namumuhay ito nang walang utang dahil on time siyang magbayad ng bill.
Ang kwento na ito Manish, isang halimbawa at paalala na hindi dapat katakutan ang paggamit ng credit card. Ang tunay na dapat mong katakutan ang sarili mo na lalo na kung wala kang kontrol sa pagiging gastador.
Ikaw, on time ka ba magbayad ng credit card bill mo o naaaligaga ka na ngayon dahil sa patung-patong na utang?