Nanindigan si Ombudsman Crispin Remulla na maaari pa rin ma-prosecute si Vice President Sara Duterte dahil sa sinasabing maling paggamit ng milyun-milyong pisong confidential fund ng Office of the Vice President at ng Department of Education.
Bagamat naniniwala si Ombudsman Remulla na maaari pa rin nilang mapanagot si VP Sara sa mga kasong kinakaharap nito, hindi nila ito mapapatalisik sa pwesto.
Ipinaliwanag pa ni Ombudsman Remulla na ang makukuha nilang mga ebidensya at ulat sa ginawang imbestigasyon ay ipapasa sa Kongreso kung saan ang mga ito ang magpapasya.
Inamin naman ng Ombudsman na hindi pa niya nababasa ang kasong inihain laban kay VP Sara kahit noong nakaupo pa siya bilang Justice Secretary dahil idiniretso ito sa Prosecutor General sa Ombudsman.
Maging ang reklamong inendorso ng House Committee on Good Government and Public Accountability ay hindi pa rin aniya niya nababasa kaya kailangan muna niya itong i-review at pag-aaralan upang malaman kung may sapat na ebidensya ang kaso.
—sa panulat ni John Riz Calata
—ulat mula kay Jun Samson (Patrol 24)