Umapela si Phivolcs Director Teresito Bacolcol sa publiko na dagdagan pa ang pag-iingat at pag-unawa sa gitna ng tinatawag na “disaster fatigue,” o pagkapagod sa sunod-sunod na kalamidad.
Ayon kay Bacolcol, nauunawaan ng ahensya ang pagod ng mga mamamayan dahil sa mga nagdaang lindol, bagyo, at iba pang sakuna, ngunit paalala niya na mahalagang manatiling handa dahil walang makapagsasabi kung kailan tatama ang mga ito.
Nilinaw rin ng Phivolcs na walang koneksyon ang mga lindol sa Cebu, La Union, at Davao dahil magkakaibang fault system ang gumalaw.