Determinado ang economic managers ng Pangulong Rodrigo Duterte na palakasin ang Build, Build, Build program para buhayin ang ekonomiya ng bansa na dumapa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa isinagawang Pre-SONA forum binigyang diin ni Finance Secretary Carlos Dominguez na maraming trabaho ang malilikha sa ilalim ng nasabing programa na makapagpapalakas din ng mga negosyo.
Kabilang aniya sa mga proyektong pang imprastruktura na gagawin ng gobyerno ay mayroong kinalaman sa kalusugan, edukasyon, pabahay at iba pa.
Sinabi ni Dominguez na hindi dapat maging balakid ang COVID-19 pandemic para mabinbin ang Build, Build, Build program lalo’t dalawang taon na lamang ang nalalabi sa termino ng Pangulong Duterte.