Bukod sa mismong estudyante, nalulungkot din ang mga magulang kapag mababa ang nakukuhang grades ng kanilang mga anak dahil sa takot na tuluyan itong bumagsak. Katulad na lang ng tatay na ito sa China na hindi napigilang maiyak matapos bumagsak sa math exam ang kaniyang anak.
Kung naiyak nga ba ang tatay dahil lang sa mababa nitong score? O dahil siya ang nagturo rito? alamin.
Nag-trending sa Chinese social media platform ang isang tatay mula sa Zhengzhou, Henan province matapos kumalat ang video nito na umiiyak dahil sa kaniyang anak. Maririnig pa na tinatawanan ito ng kaniyang asawa nang sabihin nito na wala na siyang pakialam dahil nasayang ang efforts niya.
Ayon sa mga ulat, walang sinayang na oras ang ma-effort na tatay dahil sa loob ng isang taon, araw niyang tinututor ang kaniyang anak.
Nagpupuyat pa umano ito para lang makasigurado na makakapasa ang bata sa exam.
Pero wala nang nagawa ang pagod na tatay nang makita ang scorecard ng kaniyang anak kung saan makikita ang lumalagapak na score nito sa math examination na 6/100.
Ang mas nakakaiyak pa sa kwento na ito ay bumaba lang ang scores ng bata matapos itong turuan ng kaniyang tatay. Dati naman kasi, nagagawa nitong maka-score ng 40, 50, at minsan pang nakakuha ng 90.
Samantala, hindi naman naiwasan ng mga online netizen na kwestyunin ang teaching skills ng tatay at sinabi pa na baka hindi ito magaling sa math kaya bumagsak ang kaniyang anak.
Habang ang pinaalala naman ng iba na grades are just numbers at hindi mangangahulugan na papalpak na sa buhay ang isang tao kapag nakakuha ito ng mababang grado.
Sa mga magulang diyan, huwag masyadong mahigpit at hayaan ang mga anak na matuto sa paraan na komportable sila. Habang kayo naman ay dapat ding matuto na pagkatiwalaan ang kakayahan ng inyong mga anak.