“Magandang ideya subalit malayo sa katotohanan.”
Ito ang tugon ni Atty. Soledad Mawis, dean ng College of Law ng Lyceum of the Philippines, sa panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano na magbitiw sa puwesto ang lahat ng opisyal ng pamahalaan at magsagawa ng snap elections.
Ayon kay Dean Mawis, maganda naman ang ideya ni Senador Cayetano dahil magmimistulang natural reset ito para sa bansa.
Gayunman, ani Atty. Mawis, taumbayan lang ang magpapasan ng sakripisyo kung magkakaroon ng snap elections dahil sa laki ng pondong gagamitin para rito.
Naniniwala rin si Dean Mawis na maaaring ingay pulitika lamang ang panawagan ni Cayetano lalo’t batid naman nito na unconstitutional ang pagsasagawa ng nasabing halalan.