Ika nga nila, self-love is key. Yan ang motto ng mga taong gustong gawing priority ang kanilang sarili, at ng mga taong hindi makahanap ng lovelife. Pero ibahin niyo ang babaeng ito mula sa italy na piniling pakasalan ang sarili dahil sa paniniwala na kaya niyang maging masaya mag-isa.
Kung bakit napagdesisyunan ng babae na makatuluyan ang kaniyang sarili, eto.
Sumagi sa isip ng noo’y 40-anyos na vlogger at fitness trainer na si Laura Mesi na pakasalan ang kaniyang sarili matapos manggaling sa isang 12-year relationship.
Kadalasan ay nawawalan na ng pag-asa na makahanap pa ng panibagong pag-ibig ang isang tao matapos manggaling sa isang long-term relationship dahil sa trauma, attachment problems, trust issues, at marami pang ibang dahilan.
Pero si Laura, hindi pinressure ang kaniyang sarili. Naging bukas siya sa posibilidad na ma-in love ulit kahit na naniniwala siya na posible pa rin siyang magkaroon ng fairytale kahit na walang prince charming.
Sa tindi ng pagiging strong and independent ng babae, positibo rin ito na hindi niya idedepende ang kaligayahan niya sa isang lalaki kahit na mayroon pa siyang bagong makilala.
Sa halip, nag-set ito ng deadline na kung single pa rin siya sa pagpatak ng kaniyang 40th birthday, pakakasalan niya na ang kaniyang sarili.
Nang tuluyang hindi nakahanap ng panibagong pag-ibig si Laura, she finally said yes to a lifetime with herself.
Suot ang isang white wedding gown, ginanap ang seremonyas na tila isang tunay na kasal na siyang dinaluhan ng mga bridesmaids at 70 mga bisita.
Dahil dito, si Laura ang pinaniniwalaang pinakaunang babae sa italy nagpakasal sa sarili.
Gayunpaman, kahit na hindi itinuturing na legally valid ang solo-weddings o sologamy, ang mahalaga ay hindi na kailangan pang maligaw at maghintay ni laura sa kakahanap ng kapayapaan at pagmamahal mula sa ibang tao.
Ikaw, hirap ka rin bang makahanap ng lovelife? Kung ganon, baka sign na ito para tigilan ang paghahanap ng pag-ibig sa maling lugar at maling tao.