Tiniyak ng National Food Authority (NFA) na hindi nito pahihintulutan ang pagbebenta ng bigas sa single-digit na halaga upang maprotektahan ang mga magsasaka.
Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, batid nila ang tunay na production cost ng bigas kaya’t sisiguraduhin nilang hindi malulugi ang mga magsasaka.
Hindi bibili ang NFA aniya ng palay nang mas mababa pa sa sampung piso kada kilo.
Bagama’t may ilang trader na nag-aalok ng presyo mula syete pesos hanggang sampung piso, tiniyak ng ahensya na hindi ito bababa sa itinakdang halaga at patuloy na susuporta sa mga magsasaka upang makamit ang tamang kita.
Dagdag pa ni Administrator Lacson, mahaba man ang pila ng mga magsasaka na nais magbenta sa NFA, nagbibigay naman ito ng pag-asa na mabibili ang kanilang ani sa makatarungang presyo.