Matagal nang isinisigaw ng taumbayan ang pagkakaroon ng transparency sa gobyerno, mula sa mga ahensya nito, mga project, hanggang sa mga opisyal na namamalakad sa mga ito.
Sa madaling salita, matagal nang uhaw ang mga tao sa katotohanan, at kitang-kita ito lalo na ngayong malaking halaga ng pera mula sa tax ng mga Pilipino ang pinag-uusapan sa flood control issues.
Kaugnay nito, sinabi ni Akbayan Partylist Congressman Chel Diokno sa opisyal na panayam ng DWIZ, na isang paraan ang pagpapalabas ng Statements, Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga public official sa pagpapanumbalik ng kumpyansa ng taumbayan sa gobyerno.
Kasunod ito ng paghahamon ni Cong. Diokno sa mga isinangkot ng mag-asawang Discaya na opisyal ng Department of Public Works and Highways at mga myembro ng House of Representatives na pumirma ng bank secrecy waivers at maglabas ng SALN para mapatunayan kung mayroon nga ba silang kinalaman sa isyu.
Samantala, naghain naman na si Cong. Diokno kasama ang iba pang Akbayan representatives na sina Percival Cendaña at Dadah Kiram Ismula ng resoluyson na nag-uutos sa Office of the Secretary General na ilabas ang saln ng mga myembro ng House of Representatives.
Pagdating naman sa paboritong pulutan ng marami ngayon sa social media, yung pagkakaroon ng sariling yaman ng mga politiko bago pa sila pumasok sa pulitika. Tinanong ang kongresista kung paano nga ba magagamit nang tama ang SALN sa imbestigasyon?
Eh gayunpaman, ang tanong ngayon ng bayan, papayag kaya ang mga nadawit na ito na isapubliko ang kanilang SALN para mapatunayan na wala talaga silang tinatago?