“Nakagugulat at hindi kapani-paniwala.”
Ito ang reaksyon ni Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo “Pido” Garbin Junior sa panayam ng DWIZ matapos ibulgar ng mag-asawang Pacifico at Cezarah Discaya na binigyan nila ng komisyon ang mga kasalukuyan at dating kongresista maging ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways.
Ayon kay Congressman Garbin, bagaman posibleng maging state witness ang mga Discaya, mahihirapang patunayan sa korte ang kanilang mga akusasyon kung walang dokumentong hawak.
Samantala, tiniyak naman ni Garbin na uuwi ng Pilipinas ang kapwa kinatawan mula Ako Bicol na si dating House Appropriations Committee Chairman Elizaldy “Zaldy” Co matapos ang medical checkup nito sa U.S. upang linisin ang sagutin ang mga akusasyon.
Gayunman, aminado si Garbin na hindi niya matiyak kung kailan makababalik si Co.





