Sa hiwalayan nauwi ang pagsasama ng isang mag-asawa na kapwa nasa medical field nang subukin ito ng isang karamdaman. Dahil sa pagmamahal ay idinonate ng mister ang kaniyang kidney sa kaniyang misis at binawi rin ito kalaunan nang sila ay maghiwalay.
Kung nabawi nga ba ng lalaki ang kaniyang kidney, eto.
Nagkakilala ang vascular surgeon na si Dr. Richard Batista nang siya ay resident doctor pa lang at ang noo’y training nurse na si Dawnell noong taong 1980 bago nagka-inlove-an at nagpakasal noong 1990.
Nagbunga ng tatlong anak na babae ang pagmamahalan ni Richard at Dawnell, pero pagdating ng 2001 sinubok ang relasyon ng mag-asawa nang ma-diagnose ng renal failure si Dawnell at kinailangang sumailalim sa kidney transplant.
Dahil prayoridad ni Richard na iligtas ang kaniyang asawa at ang kinabukasan ng kanilang mga anak, idinonate niya ang kaniyang kidney matapos sumailalim ang kaniyang misis sa dalawang failed transplants.
Matapos ang operasyon at recovery period, pagkalipas lang ng apat na taon ay naghiwalay ang dalawa at si Dawnell mismo ang naghain ng divorce.
Kasabay nito ay inakusahan ni Richard si Dawnell ng pangangaliwa at pagpapaalis sa kaniya sa kanilang bahay. Bukod pa riyan, bukod sa kagustuhan na bawiin ang kaniyang kidney, inireklamo rin ni Richard si dawnell dahil hindi umano nito pinahihintulutan na makausap ni Richard ang kanilang mga anak.
Kung ano ang kondisyon ni Richard kapag hindi naibalik ni Dawnell ang kaniyang kidney? Kailangan nitong magbayad ng $1.5 million dollars.
Pero sa kabila ng efforts ni Richard na mabawi ang kaniyang kidney, sinabi ng mga doktor na imposible ito at unethical.
Sa huli, hindi na nabawi pa ni Richard ang kaniyang kidney dahil lumabas sa desisyon ng korte na ang organ ay isang regalo kay Dawnell.
Sa mga may kasintahan diyan, huwag todo-bigay sa pagreregalo. At kung kusang-loob man na, huwag nang manunumbat pa.