Ang pagsakit ng ulo ay karaniwang nararanasan ng mga tao, gayunman, may iba’t ibang uri ito at iba-iba rin ang posibleng dahilan.
Tension headache ang pinakakaraniwang uri ng sakit ng ulo, dulot ito ng stress o pagkapagod.
Mayroon ding migraine na mas matindi at kadalasang sinasabayan ng pagkahilo at pagiging sensitibo sa liwanag o tunog.
Kasama rin dito ang cluster headache na biglaang sumusumpong at masakit sa isang bahagi ng ulo.
Sinus headache naman ang tawag sa uri ng sakit ng ulo na dulot ng impeksiyon o pamamaga sa sinus.
Paalala ng mga eksperto, kung madalas o matindi ang pananakit ng ulo, kumonsulta agad sa doktor para matukoy ang sanhi at mabigyan ng tamang gamutan.
Iba’t ibang dahilan ng pananakit ng ulo, alamin was last modified: August 12th, 2025 by DWIZ 882