Nagpahayag ang Institute for Risk and Strategic Studies ng buong suporta sa layunin ng unibersal, abot-kaya, at maaasahang internet access.
Subalit nagbabala ito na ang Konektadong Pinoy Bill sa kasalukuyang anyo nito ay maaaring lumikha ng masasamang insentibo, magpahina sa infrastructure sustainability, at mag-alis sa mahahalagang layers ng public accountability.
Iginiit ni Salceda Research Chair Joey Sarte Salceda na kinumpirma mismo ng mga tagasuporta ng panukala na ito ay magbubukas ng merkado sa mga operator na karaniwang gumagamit ng kaunting kapital.
Kaya ibinabala ni Salceda na kung walang nakapirming obligasyon sa pagkumpuni, pagmamantine, at co-investment, ang mga operator na ito ay maaaring mabilis na lumawak sa mga mapagkakakitaang lugar habang iiwan naman ang pangmatagalang pangangalaga ng pambansang network sa mga kasalukuyang nag-ooperate at sa huli ay sa mga taxpayer.
“If you remove the franchise requirement for data-only providers but keep it for landline operators, the market will simply abandon landline service altogether. That will mean the end of the country’s most disaster-resilient fallback network. Once landlines are gone, and a storm disables cell towers and satellite ground stations, we will have lost our last independent line of communication,” pagbibigay-diin ni Salceda.
Dito’y inilarawan din ng dating mambabatas ng Albay na “sobrang kakaiba” ang pagpapaliwanag ng mga tagapagtaguyod na ang public listing ay isang pribilehiyo lamang para sa mga investor.
“Public listing is not about investor perks. It is about disclosure, governance, and transparency. For something as critical as national data infrastructure, these safeguards are essential. Listing forces operators to show, in public and on the record, whether they are investing enough in repairs, replacements, and rural expansion. Without it, we are flying blind,” dagdag pa ni Salceda.
Kasabay nito, binigyang-diin ng grupo na ang franchising, co-investment obligations, at public listing, ay bawat isa na nagsisilbing hiwalay na mga layer ng pananagutan. Ang pagtanggal sa prangkisa at pagtanggi sa paglalathala ay nag-aalis daw ng dalawa sa mga layer na ito nang magkasabay.
“If this bill passes in its current form, it will effectively end the Congressional power to grant franchises for a major public utility sector. That is not just a procedural change. It is the loss of public hearings, formal oversight, enforceable coverage conditions, and direct legislative recourse when operators fail to deliver. Once these safeguards are gone, they will not be easily restored,” babala ni Salceda.
Ipinunto ng Salceda Research na nakahanda itong makipagtulungan sa mga mambabatas at stakeholders upang masiguro na walang butas ang panukala bago ito ipasa bilang batas.
Nangangahulugan ito na kabilang ang mga obligasyong saklaw na maaaring ipatupad, mga kinakailangan sa co-investment, mga responsibilidad sa pag-aayos, pampublikong paglalathala para sa transparency, at malinaw na pamantayan sa pagpapatupad.
“We are not against Konektadong Pinoy. We are against passing it in a form that removes accountability without replacing it with equally strong safeguards. If we are going to replace the current franchising system, the new one must be airtight,” diin pa ni Salceda.