Nanawagan si Presidential Spokesperson Atty. Claire Castro ng masusing imbestigasyon at transparency kaugnay ng sinasabing budget insertions sa 2026 national budget na tinatayang aabot sa 142.7-billion pesos, na aniya’y banta sa maayos na pamamahala, mabilis na pagpapatupad ng proyekto, at tiwala ng publiko.
Tinuligsa rin ni Pres. Spokesperson Castro ang pahayag ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na kinuwestiyon ang banta ni Pangulong Marcos na i-veto ang pork-laden proposals.
Mas nakakabahala, ayon kay sa tagapagsalita ng Pangulo, ang sinasabing tatlong-bilyong pondong isiniksik ni SP Escudero sa pangalan ni Senator Bong Go, kabilang ang 633-million pesos para sa barangay health stations at super health centers.
Bagama’t iginiit ng lider ng Senado na pasado sa audit ang lahat ng insertions at wala siyang kaso ng katiwalian sa loob ng dalawampu’t pitong taon sa serbisyo, hindi ito sapat para kay kampo ng Pangulo.