Hinimok ng Department of Interior and Local Government ang lahat ng lokal na pamahalaan sa buong bansa na magkaroon ng ordinansa na may mabigat na multa at pagkakakulong laban sa mga mahuhuliang prank caller ng emergency 9-1-1.
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, dapat may monetary fine at jail time para sa mga prank caller upang maiwasan ang mga ito na gamitin sa kalokohan ang emergency line.
Magkakaroon ng tracking capabilities sa ilalim ng bagong sistema ng emergency 9-1-1, mayroon itong tinatawag na geofence at geodata upang mapabilis na matukoy ang mga prank callers.
Maaring makulong ng hanggang limang taon at multang aabot sa apatnapung-libong piso ang sinumang mapatunayang lumabag sa batas sa ilalim ng umiiral na Presidential Decree 1727.