Kinumpirma ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa na hindi siya dadalo sa ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Aniya, ayaw niyang “makipag-plastikan sa ilang mga kongresista at ilang taga-Palasyo na may sama siya ng loob kaya hindi na lang siya dadalo sa joint session ng Senado at Kamara sa July 28 bilang pagbibigay daan sa SONA ni Pangulong Marcos.
Paliwanag ng senador, personal niyang desisyon ang hindi pagdalo sa SONA at ayaw niyang idamay pa ang ibang senador na kasama niya sa Duterte bloc.
Dagdag pa ni Sen. dela Rosa na wala na siyang expectation sa kung ano ang sasabihin ng Pangulo sa kanyang SONA.