Nasa tatlumput dalawang (32) former rebels ang nabigyan ng scholarship ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) bilang bahagi ng programa kontra terorismo ng PNP sa lalawigan ng Camarines Norte.
Kasabay nito, namahagi din ng foodpacks ang DSWD sa 500 benepisyaryo kasabay ng pagsasagawa ng libreng bunot ng ngipin at libreng gupit na handog ng provincial government at Department of Health (DOH).
Bahagi rin sa naturang programa ang pagtuturo ng livelihood program at info drive ng DepEd, libreng driving theoretical course at info drive naman mula sa lto.
Nagbigay din ng libreng 150 seedlings mula sa PENRO, Business Info Drive mula sa DTI at mga info drives naman sa iba pang mga ahensya ng gobyerno.
Layunin ng programa na mahikayat ang iba pang mga rebelde na sumuko at magbalik loob sa pamahalaan.