Nakadepende sa pangangailangan ng users kung ano ang magiging purpose sa kanila ng social media. Para as iba ay nagsisilbi itong libangan, pero para sa karamihan ay isa na itong hanapbuhay at platform para makilala. Katulad ng isang babae sa India na sa sobrang busy sa pagpapalawak ng kaniyang social media presence ay nakalimutan na ang mga gawaing bahay at nauwi pa sila sa demandahan ng kaniyang asawa.
Kung natuloy ba ang reklamo ng mag-asawa sa isa’t isa, eto.
Mapayapang naninirahan ang mga-asawang Nisha at Vijendra sa kanilang tahanan sa Noida na matatagpuan sa Uttar Pradesh, India.
Katulad ng iba, mayroon ding hobby ang 30-anyos na misis na si Nisha at yan ay ang araw-araw na pagpo-post ng dalawang reels sa kaniyang Instagram account.
Pero nang punahin ng kaniyang mister na si Vijendra ang pagiging babad niya sa social media at sinabing paglaanan din niya ng oras ang mga gawaing bahay, naapektuhan ang kaniyang daily uploads at social media presence.
Walang anu-ano’y nag-alsa balutan ang babae at bumalik sa bahay ng kaniyang mga magulang nang mabawasan ng dalawa ang kaniyang followers at nagsampa na ng reklamo laban sa kaniyang asawa.
Sinabi ng babae sa mga pulis na nawalan siya ng oras sa paggawa ng reels dahil naging busy siya sa paglilinis sa kanilang bahay.
Si mister, hindi nagpahuli at inireklamo rin ang kaniyang misis dahil napapabayaan umano nito ang mga gawaing bahay dahil sa pagiging busy sa Instagram.
Samantala, nang mapag-alaman ng mga pulis ang hinaing ng mag-asawa ay masinsinan nilang kinausap ang mga ito at ngayon ay nagsasama nang muli sa kanilang bahay. Pero ang lalaki, on the hunt ngayon sa trabaho dahil nawalan ito ng trabaho matapos ireklamo ng kaniyang misis.
Sa mga may asawa na diyan, kilos-kilos muna kasi sa bahay bago atupagin ang social media. Tandaan, magkatulong niyong binuo ang bahay niyo kaya dapat, magkatulong niyo rin itong itaguyod.