Tungkulin ng Senado na dinggin ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, ayon sa Saligang Batas.
Iyan ang ipinunto ng dating miyembro ng Court of Appeals at dean ng San Beda University – Graduate School of Law na si Father Ranhilio Aquino sa panayam ng DWIZ.
Aniya, ang pag-dismiss ng kaso nang hindi nililitis ay maaaring paglabag sa Article 208 ng Revised Penal Code (Dereliction of Duty) at Section 3-E ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019).
Dagdag pa ni Aquino, ang pag-iwas sa trial ay maaaring bunga ng political alliances at takot na mawalan ng suporta mula sa mga tagasuporta ng Duterte.