Dapat isailalim muna sa X-ray ang bawat sako ng narekober sa Taal, na pinaniniwalaang naglalaman ng mga labi ng mga nawawalang sabungero.
Ito ang inirekomenda ng forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun dahil mahalaga ang bawat piraso ng mga narekober na bagay.
Ayon sa eksperto, maaaring may bala ng baril at iba pang bagay sa sako.
Gayunman, nilinaw ng forensic pathologist na hindi pa kinukuha ang kaniyang serbisyo at wala siyang kaugnayan sa isasagawang laboratory test sa laman ng mga nai-ahon na sako mula sa lawa.
Una nang kinumpirma ni National Bureau of Investigation Director Jaime Santiago na ang team ng ahensya ang magsasagawa ng pagsusuri sa mga na-recover na sako.