Nilinaw ng Energy Regulatory Commission na ang recovery cost na inaprubahan ng komisyon ay hindi buong mararamdaman sa loob ng pitong taon ng mga konsyumer, kasunod ng una nang inanunsyong 10-centavos per kilowatt-hour na dagdag-singil sa kuryente ngayong Hulyo.
Ito ang kinumpirma mismo ni ERC Chairperson Atty. Monalisa Dimalanta sa panayam ng DWIZ kung saan kanyang direktang ipinunto na ang under recovery cost na halos 4-centavos per kilowatt-hour lamang ang mararamdaman sa loob ng pitong taon.
Paliwanag niya na ang natitirang 6-centavos sa inanunsiyong 10-centavos per kilowatt-hour na dagdag-singil ay dulot ng pinakahuling rate reset ng komisyon.