Nilinaw ng Malacañang na ginagamit ang inutang ng gobyerno sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para pondohan ang mahahalagang proyekto na magpapalago sa ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, kabilang sa mga pinopondohan ay mga proyekto sa imprastruktura, edukasyon, agrikultura, kalusugan, at serbisyong panlipunan.
Ito ay tugon sa mga tanong kung bakit lumaki pa ang utang ng pamahalaan.
Giit ni Usec. Castro, makikita naman ng taumbayan ang mga ginagawa ng Pangulo at ng gobyerno gamit ang pondo mula sa nabanggit na utang.
Batay sa datos ng Department of Finance, nananatiling ligtas at kaya pang bayaran ang kasalukuyang 62 percent debt-to-GDP ratio ng bansa.
Dagdag pa ng P.C.O. official na mas mababa ito sa 70 percent na itinakdang international limit, kaya’t hindi ito ikinababahala ng pamahalaan.