Suportado ni Senador Juan Miguel Zubiri na tumayo bilang Senate President sa 20th Congress si Senador Tito Sotto.
Ito’y dahil mas gusto ng senador ang estilo ng pamumuno ni Senator Sotto, partikular ang pagsasagawa ng mga caucus meeting para mapagusapan ang mga isyu sa bansa kumpara sa kasalukuyang liderato ni SP Escudero na hinahayaan lamang pagtalunan ang lahat ng bagay sa plenaryo kaya nagmumukhang magulo ang Senado.
Pinalagan naman ito ng kasalukuyang Senate President, na sinabing mas gusto niya lamang na maging transparent at naisasapubliko ang pag-uusap ng mga isyu sa loob ng Senado.