Pinatawan ng parusa ng Land Transportation Office ang 32 driving schools sa Metro Manila at Central Luzon.
Ayon kay LTO Chief Atty. Vigor Mendoza II, 17 driving schools at 7 driving instructors ang naparusahan sa Central Luzon.
Habang 15 driving schools naman ang nahuling lumabag sa Metro Manila.
Kabilang sa mga nasabing paglabag ang pag-isyu ng driving courses certificates sa mga estudyante kahit hindi pa natatapos ang kinakailangang oras ng training o kahit hindi pa ito nagpapakita sa klase.
Dahil dito, haharap sa suspensyon ng hanggang anim na buwan at multang aabot sa isang milyong piso ang mga sangkot na paaralan.
—sa panulat ni Mark Terrence Molave