Lumobo pa sa 16.75 trilyong piso ang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng April 2025.
Ayon sa Bureau of the Treasury, tumaas pa ang kaukulang utang ng bansa ng 0.41% mula sa 16.68 trilyon na naitala noong Marso.
Ang domestic debt ng gobyerno ay umabot sa 11.59 trilyong piso; mataas ng 1.85% mula sa nakaraang buwan.
Samantalang ang external debt naman ay bumaba ng 2.68% sa 5.16 trilyong piso, dulot ng net repayments na umabot sa 58.28 bilyong piso.
Ayon sa BTR, patuloy ang pamahalaan sa disiplinadong estratehiya sa pag-utang upang matiyak ang fiscal sustainability nito at suportahan ang mga produktibong pamumuhunan.
Inaasahan namang bababa ang debt-to-GDP ratio sa bansa ng 60% pagsapit ng 2028.
—sa panulat ni Jasper Barleta