Kung madalas kang magreklamo sa tuwing tayuan sa mga nasasakyan mong bus, magrereklamo ka pa rin ba kapag nalaman mo na posible ka nang makasakay sa eroplano at makabyahe sa mas murang halaga? Pero ang plot twist, nakatayo ka sa flight mo.
Interesado ka na ba para sa mas affordable travel experience? Pakinggan mo muna ang kwento na ito.
Taong 2018 nang ipakilala ng Italian manufacturer na Aviointeriors sa Aircraft Expo 2018 sa Hamburg ang Skyrider 2.0.
Isa itong padded na upuan na mayroong pagkakahawig sa saddle o ‘yong inuupan ng mga kutsero ng kabayo. Bagama’t naka-anngulo ito nang 45 degrees at hindi nauupuan katulad ng tipikal na plane seats, naiulat na pumasa ito sa safety requirements at ligtas na gamitin sa flights.
Sa katunayan naiulat na mayroong mga european budget airlines na nagbabalak na tanggalin ang kanilang economy seats at palitan ito ng Skyrider 2.0.
Bukod sa inaasahang mas abot-kayang presyo ng plane tickets, inaasahan din na magagawa nitong pataasin ng 20% ang bilang ng mga pasahero na siya namang magreresulta sa mas malaking kita para sa mga airlines.
Pero hindi maaaring gamitin ang Skyrider 2.0 sa mahahabang flights dahil hindi katulad ng mga regular na upuan sa eroplano, hindi ito magiging komportable para sa mga pasahero dahil sa 45 degree angle nito.
Samantala, inaasahan na sa pagpasok ng 2026 ay maaari nang makita ang skyrider 2.0 sa mga eroplano pero wala pang airlines ang naiulat na nagkumpirma na sasabay sila sa nasabing innovation.
Sa mga traveler on a budget diyan, willing ba kayong tumayo sa eroplano para labg makapag-travel sa murang halaga?