Ilulunsad ng Department of the Interior and Local Government ang unified 911 emergency call system sa Hulyo. Sa pamamagitan ng naturang sistema, isa na lamang ang emergency hotline na maaaring tawagan ng sinumang nangangailangan ng tulong sa bansa.
Sisimulan ang inisyal na paglunsad nito sa Ilocos Region, Central Visayas, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at National Capital Region, gayundin sa mga probinsya ng Cavite, Laguna, at Rizal.
Target din ng ahensyang palawakin ang sakop ng proyekto sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas. Ilan sa nakatalagang responder dito ang Bureau of Fire Protection at Philippine National Police.
—sa panulat ni Mark Terrence Molave